X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
Sinabi ni Shaykh Muḥammad ibn Ṣāliḥ al-ʿUthaymīn (buod):
Minsan tumatayo ang Propeta ﷺ ng dalawang-katlong (⅔) gabi, minsan kalahating gabi, minsan sang-katlong (⅓) gabi. At minsan tumatayo ang ibang mga kabataan na Ṣahābah (kasamahan) kasama siya, ngunit napapagod sila (dahil sa haba ng Ṣalāh).
Isang gabi, tumayo si Ḥudhaifah bin al-Yamān kasama siya, at binasa ng Propeta ﷺ ang (Sūrah) al-Baqarah, (Sūrah) al-Nisāʾ, at (Sūrah) ʾĀli ʿImrān, na humigit-kumulang lima at sang-kapat (¼) na Ajzāʾ.
Limang Ajzāʾ, kasama na rito ang paghingi (ng awa) kapag dumadaan sa mga talata tungkol sa awa, at pagpapakupkop kapag dumadaan sa mga talata na may pagbabanta, at pagsasagawa ng Tasbīḥ (pagluwalhati) kapag dumadaan sa mga talata na may Tasbīḥ. Sa tuwing pinahahaba niya ang kanyang pagbabasa, pinahahaba rin niya ang kanyang Rukūʿ at Sujūd.
At kung isasalarawan mo ito, sa tuwing siya'y tatayo, halimbawa sa taglamig, at ang gabi sa taglamig ay nasa labing-dalawang (12) oras (sa mga lugar ng Makkah at Madīnah), maaari nating sabihin na tumatayo siya ng pitong oras (sa Qiyām al-Layl).
Isinalin sa wikang Tagalog ni Abū Mulaykah Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda Marso 27, 2024 | Ramadān 17, 1445H