Menu

Ang batas sa pagpapakasal sa isang babae na buntis mula sa Zinā

Mga Aral at Paalaala 31


قال الشيخ عبد العزيز بن باز رحمه الله

الحامل من الزنا أو من غير الزنا، لا يجوز العقد عليها حتى تطهر، لقول النبي ﷺ، بل لقول الله: وَأُوْلاتُ الأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ [الطلاق:4]، ولقول النبي ﷺ ينهانا: من كان يؤمن بالله واليوم الآخر فلا يسقي ماءه زرع غيره، يعني: منيه، زرع غيره يعني حمل غيره

فإذا كانت حاملًا من المطلق أو الميت، فليس لها أن تتزوج حتى تضع الحمل، وإذا كانت حاملة من الزنا، فليس لها أن تتزوج لا بالزاني ولا بغيره حتى تضع؛ لأن حملها مشوب بنطفة لا تنسب للزاني ولا لغيره، ينسب لأمه، فالزاني لا ينسب إليه الطفل، مثلما قال النبي ﷺ: الولد للفراش وللعاهر الحجر

فالولد لأمه إذا كانت ليست فراش، وإن كانت فراشًا فالولد لزوجها والزاني يأخذ الحد الشرعي، فإذا حملت وهي ليست ذات زوج فإنها لا يجوز تزوجها مطلقًا في أي بلاد الله حتى تضع الحمل، فإذا وضعت الحمل جاز لها التزوج بعد التوبة والرجوع إلى الله والإنابة، فيجوز للمسلم أن يتزوجها بعد التوبة. نعم


Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn Bāz رحمه الله:

Ang nagdadalang tao (o buntis) sa pamamagitan ng Zinā (pakikiapid), o hindi sa Zinā, ay hindi ipinapahintulot na pakasalan (ninuman) hanggang sa siya (na buntis) ay maging malinis, dahil sa pahayag ng Propeta ﷺ, bagkus dahil sa Pahayag ng Allāh عز وجل:

وَأُوْلاتُ الأَحْمَالِ أَجَلُهُنَّ أَنْ يَضَعْنَ حَمْلَهُنَّ

“At yaong mga buntis (maging sila man ay hiwalay o namatayan ng asawa), ang kanilang panahon ng paghihintay ay hanggang sa kanilang panganganak.”

At dahil sa pahayag ng Propeta ﷺ na nagbawal sa atin: 

من كان يؤمن بالله واليوم الآخر فلا يسقي ماءه زرع غيره

“Sinuman ang naniniwala sa Allāh at sa Huling Araw, huwag niyang hayaang tubigan ang itinanim ng iba maliban sa kanya.”

Ibig sabihin, ang kanyang punlay (semilya o semen), ang itinanim ng iba, ibig sabihin, nagdadalang tao dahil sa iba.

Kung nabuntis siya ng lalake na nakipaghiwalay sa kanya, o sa pamamagitan ng asawa na pumanaw, hindi nararapat sa kanya na magpakasal (sa iba) hanggang sa maisilang niya ang kanyang ipinagbubuntis, at kung nabuntis naman siya dahil sa Zinā, hindi nararapat sa kanya na magpakasal sa nakagawa ng Zinā o kahit kanino hanggang manganak (o magsilang) siya. Dahil nabahiran ang kanyang pagbubuntis ng punlay, (at) hindi ito maiuugnay sa (angkan ng) nakagawa ng Zinā (hindi siya ituturing na ama) ni ng iba, at iuugnay siya (ang dinadala) sa (angkan ng) kanyang ina. Kaya sa lalaking nakagawa ng Zinā, hindi maiuugnay sa kanya ang bata, tulad ng sinabi ng Propeta ﷺ:

الولد للفراش وللعاهر الحجر

Ang anak ay (iuugnay) sa (may-ari ng) higaan (ibig sabihin sa asawa ng babae), at para sa nakikiapid (lalaking hindi asawa ng babae) ay ang bato (ibig sabihin sa Islamikong pamahalaan at bansa, babatuhin siya hanggang mamatay, at ito ay nasa kapasyahan ng mga nasa kapangyarihan o awtoridad at hindi sa mga ordinaryong mamamayan).

Kaya ang bata ay iuugnay sa kanyang ina, kung walang (may-ari ng) higaan (kung wala siyang asawa), at kung mayroong (may-ari ng) higaan (asawa), ang anak ay iuugnay sa (angkan ng) kanyang asawa, at ang nakagawa ng Zinā ay makakatanggap ng isinabatas na parusa. At kung nabuntis siya at wala siyang asawa, hindi siya pinahihintulutan na magpakasal kailanman, kahit saan man lugar ng Allāh, hanggang manganak (o magsilang) siya. At pagkatapos niyang magsilang, doon pa lang siya pahihintulutan na magpakasal, pagkatapos niyang magbalik-loob at bumalik sa Allāh, kaya pahihintulutan na ang isang Muslim na pakasalan siya matapos niyang mag-balik-loob. Na’am.


https://binbaz.org.sa/fatwas/16387/حكم-عقد-النكاح-بامراة-حامل

Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong nila Abū Yaḥyá Rueda at Abū ‘Imrān Aḥmad Mababaya
April 13, 2020 | Shaʿbān 20, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!