Menu

Ang Imsāk (pagtigil ng pagkain at pag-inom) bago sumapit ang Fajr.

Mga Aral at Paalaala 34

Mula kay Abū Hurairah رضي الله عنه na nagsabi: sinabi ng Sugo ng Allāh ﷺ:

إذا سمع أحدكم النداء والإناء على يده فلا يضعه حتى يقضي حاجته منه

“Kung narinig ng isa sa inyo ang panawagan (ng Adhān para sa Fajr) habang ang inumin ay nasa kamay niya, huwag niyang hayaang ibaba ito hanggang makuha niya ang kanyang pangangailangan dito.”

[Iniulat ni Abū Dāwūd at dineklara ito na Ṣaḥīḥ ni al-Ḥakīm, adh-Dhahabī at al-Albānī.]


Sinabi ni al-ʿAllāmah Shaykh al-Muḥaddith Muḥammad Nāṣir ad-Dīn al-Albānī رحمه الله تعالى:

وفيه دليل على أن من طلع عليه الفجر وإناء الطعام أو الشراب على يده، أنه يجوز له أن لا يضعه حتى يأخذ حاجته منه، فهذه الصورة مستثناة من الآية

“At ito ay katunayan na kapag sumapit na ang Fajr habang ang lalagyan ng pagkain o inumin ay nasa kanyang kamay, ipinapahintulot sa kanya na hindi ito ibaba hanggang makuha niya ang pangangailangan niya dito. Ang larawan na ito ay nakabukod (at hindi kasali) sa talata:

﴾وَكُلُوا وَاشْرَبُوا حَتَّى يَتَبَيَّنَ لَكُمُ الخَيْطُ الأبْيَضُ مِنَ الخَيْطِ الأسْودِ مِنَ الفَجرِ﴿

At kumain at uminom kayo hanggang maging malinaw sa inyo ang puting sinulid (ng liwanag) mula sa itim na sinulid (ng kadiliman) ng Fajr (bukang-liwayway).

وقال أيضاً: من فوائد الحديث إبطال بدعة الإمساك قبل الفجر بنحو ربع ساعة، لأنهم إنما يفعلون ذلك خشية أن يدركهم أذان الفجر وهم يتسحرون، ولو علموا هذه الرخصة لما وقعوا في تلك البدعة فتأمل".

At gayundin sinabi niya (ni Shaykh al-Albānī): Isa sa mga kabutihan ng Ḥadīth ay ang pagtanggi sa Bidʿah (makabagong gawain) ng al-Imsāk (pagtigil ng pagkain at pag-inom) bago sumapit ang Fajr, tulad ng labing limang (15) minuto. Bagkus ginagawa lang nila ito dahil sa pangamba nila na maabutan sila ng Adhān ng Fajr habang sila ay kumakain ng Suḥūr. Kung alam lang nila ang pahintulot nito, hindi sila mahuhulog sa Bidʿah na iyon, kaya pagnilayan mo ito.”



Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
April 26, 2020 | Ramaḍān 03, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!