Dealing with parents who do not practice Islām by Ustādh Moosaa Richardson
X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
Ano po ang inyong payo sa amin at sa mga kapatid nating Salafī sa Pilipinas tungkol sa pagsasagawa (ng mga kautusan) sa relihiyon na ayon sa Sunnah ng Sugo ng Allāh ﷺ at sa pamamaraan ng mga Salaf (mga naunang matutuwid na Muslim), at gayundin, ano po ang inyong payo para sa mga Muslim tungkol sa pag-aaral ng wikang Arabe (Arabic)?
Lahat ng papuri ay para lamang sa Panginoon ng lahat ng nilikha at naway itaas ang antas at bigyang kapayapaan ang Sugo ng Allāh at ang kanyang pamilya at lahat ng kanyang kasamahan. At bilang pagpapatuloy: katotohanang aking dinidirekta ang payong ito sa ating kapatid na Salafī sa Pilipinas.
At masasabi ko sa kanila na ang pinakadakilang utos ay ang utos ng Allāh – Ang Makapangyarihan at ang Dakila – para sa Kanyang mga alipin na nauna at sa mga huli, tulad ng Sinabi Niya – Ang Makapangyarihan at ang Dakila:
﴾وَلَقَدْ وَصَّيْنَا ٱلَّذِينَ أُوتُوا۟ ٱلْكِتَٰبَ مِن قَبْلِكُمْ وَإِيَّاكُمْ أَنِ ٱتَّقُوا۟ ٱللَّهَ﴿
At katotohanan kami ay nag-utos sa mga nabigyan ng kasulatan mula sa mga nauna sa inyo, at gayundin sa inyo (O mga Muslim), na katakutan ninyo ang Allāh (sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting gawain at pag-iwas sa mga ipinagbabawal).[1]
At pinapayuhan ko rin sila, tulad ng iniutos ng Allāh sa Kanyang Aklat, na pagkapit sa Kanyang Aklat at sa Sunnah ng Kanyang Propeta ﷺ katulad ng Kanyang sinabi – Ang Makapangyarihan at ang Dakila:
﴾وَٱعْتَصِمُوا۟ بِحَبْلِ ٱللَّهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُوا۟﴿
At kumapit kayong lahat sa lubid ng Allāh at huwag kayong magkawatakwatak.[2]
At sila ay dapat humatol sa pamamagitan ng Aklat ng Allāh – Ang Makapangyarihan at ang Dakila – at sa pamamagitan ng Sunnah ng Kanyang Propeta Muḥammad ﷺ at sa pamamagitan (ng pamaraan) ng mga Ṣaḥāba at ng mga sumusunod sa kanila at ng mga Salaf ng nasyong ito.
At nararapat sa kanila ang (pagsasaliksik ng) kaalaman at pag-aaral ng kaalaman at pagsasagawa nito. At pagpapalaganap ang Daʿwah (panawagan) ng Salafīyyah sa kanilang bansa, at pagtuturo sa mga tao ng Tawḥīd, tamang Īmān (paniniwala), at tamang Sunnah, At nararapat sa kanila ang pagiging masigasig sa pagtahak sa pamaraan ng mga Propeta at mga Sugo sa pagbibigay ng Daʿwah sa landas ng Allāh, magbigay-babala sa Kanyang mga alipin, bilang awa at habag, at pagligtas sa kanila mula sa Apoy.
At nararapat sa kanila ang pakikipag-ugnayan sa mga maaalam na iskolar at pagkakaroon ng komunikasyon at koneksyon sa kanila sa anumang uri ng pamamaraan, at pagbisita sa mga iskolar sa lupain ng Ḥaramain (Makkah at Madīnah) sa Kaharian (ng Saudi Arabia), (mula sa) mga Ahl as-Sunnah, mga Salafī, at makipagtulungan sa kanila sa dakilang gawain na ito, tulad ng sinabi Niya – Ang Makapangyarihan at ang Dakila:
﴾وَتَعَاوَنُوا۟ عَلَى ٱلْبِرِّ وَٱلتَّقْوَىٰ وَلَا تَعَاوَنُوا۟ عَلَى ٱلْإِثْمِ وَٱلْعُدْوَٰنِ﴿
At magtulungan kayo sa isa’t isa sa al-Birr at sa at-Taqwá (kabutihan, katuwiran, at kabanalan), at huwag kayo magtulungan sa isa’t isa sa kasalanan at pagsuway.[3]
At nararapat sa kanila ang (pagsunod sa mga) tumatawag tungo dito (sa kabutihan) at nagbibigay-babala laban sa salungatan at pagkakaiba, dahil ito ang dahilan ng pagkabagsak at panghihina.
At nararapat sa kanila ang Daʿwah tungo sa Allāh, tulad ng Sinabi ng Allāh – Ang Makapangyarihan at ang Dakila:
﴾قُلْ هَٰذِهِۦ سَبِيلِىٓ أَدْعُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا۠ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِى وَسُبْحَٰنَ ٱللَّهِ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ﴿
Sabihin mo (O Muḥammad): “Ito ang aking paraan, nag-aanyaya ako tungo sa Allāh (sa kanyang kaisahan) sa pamamagitan ng malinaw na kaalaman, ako at sinuman ang sumsunod sa akin, at Malaya ang Allāh sa lahat na kakulangan, at hindi ako mula sa mga Mushrikūn (mga pagano).”[4]
Hinihingi ko sa Allāh para sa akin at sa inyo ang tagumpay, at katuwiran at kapaki-pakinabang na kaalaman at matutuwid na mga gawa, at ang Allāh ang tagapagbigay ng tagumpay, at nawa’y itaas ang antas at bigyan ng kapayapaan at biyaya ang ating Propeta Muḥammad.
Shaykh, naway bigyan kayo ng Allāh ng kabutihan, tungkol sa pag-aaral ng wikang Arabe para sa mga Muslim.
Ayon sa prinsipyo ng batas (ng Islām):
.مَا لاَ يَتِمُّ الْوَاجِبُ إِلاَّ بِهِ؛ فَهُوَ وَاجِبٌ
Anumang paraan na kailangang tuparin upang maisaganap ang (gawaing) obligado, ang paraang iyon ay obligasyon din;
At obligasyon sa bawat Muslim na magbasa ng Qurʾān at malaman ang mga batas nito, at gayundin na magbasa ng Sunnah at pag-aralan ang mga batas nito, at walang ibang paraan upang makamit ito maliban sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Arabe, at dahil dito, tungkulin ng bawat Muslim na pag-aralan ang wikang Arabe upang makabasa siya ng Aklat ng Allāh at maisaulo ito at maisagawa (ang mga iniutos dito).
At gayundin upang matutunan ang Sunnah at maisagawa ito at magkaroon ng magandang pag-uugali tulad ng Propeta ﷺ, lahat ng iyon ay hindi makakamit maliban sa pag-aaral ng wikang Arabe, kaya kinakailangan sa bawat Muslim, upang malaman niya ang kanyang relihiyon, na pag-aralan ang wikang Arabe.
At gayundin mula sa mga obligasyon sa mga Muslim doon (sa Pilipinas) na magsikap sa pagtuturo ng wikang Arabe sa kanilang komunidad, at gumawa ng mga akademya sa pag-aaral ng wikang Arabe. At sa mga nagsasaliksik ng kaalaman na nag-aral ng wikang Arabe sa mga unibersidad sa Saudi Arabia at sa ibang lugar na kapag bumalik sila sa kanilang komunidad, magsikap sila sa pagtuturo ng wikang Arabe sa kanila, tulad ng pagsisikap nila sa pagtuturo ng Tawḥīd at ng Sunnah.
[1] Sūrah an-Nisāʾ:131
[2] Sūrah Āli-ʿImrān: 103
[3] Sūrah al-Māʾidah: 2
[4] Sūrah Yūsuf: 108
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
July 31, 2019 | Dhul Qaʿdah 28, 1440H