Taking care of the Islamic Brotherhood by Ustādh Abū Muqbil Suhairī
X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
May mga sapin, kung saan isinasagawa namin ang Ṣalāh, na may mga larawan ng Kaʿbah at Masjid an-Nabawī. Ano ang batas (sa pagsasagawa ng Ṣalāh) sa mga sapin na ito?
Ang Ṣalāh ay di karapat-dapat gawin sa mga sapin na ito. Ang pagtayo habang ang Kaʿbah ay nasa paanan mo ay isang uri ng pagmamaliit. Hindi pinahihintulutan na ilagay ang mga larawan ng Kaʿbah sa mga ito at hindi natin ito dapat bilhin. Dahil kung ito ay nasa harapan niya, ito ay makakaabala sa kanya, at kung ito ay nasa paanan niya, ito ay maituturing na isang uri ng pagmamaliit. Kaya para sa mas ikabubuti, hindi dapat gamitin ang mga ito ng isang mananampalataya.
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
January 18, 2019 | Jumādā al-Awwal 11, 1440H