Joining Rallies and Protests in Solidarity with the Palestine | Shaykh Yaḥyá an Nahārī حفظه الله
X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn ʿAbdullāh ibn Bāz رحمه الله (pumanaw. 1419H):
Karamihan sa mga tao ay pabaya tungkol sa bagay na ito; sila ay naging mga hukom at guro, ngunit wala silang alam sa ʿAqīdah (paniniwala) ng Salafiyyah – wala silang alam sa tamang ʿAqīdah. Pabaya sila sa saligang ito, sa kaalaman ng ʿAqīdah at minamaliit nila ang pagbibigay ng karapatan nito, sa pag-aaral nito, sa pagsusuri nito, at pagtanggal ng mga pagdududa (nito). Kaya sila’y naging mga doktor ngunit wala silang kaalaman ng ʿAqīdah. Sila ay naging mga doktor, hindi lang basta mga guro, bagkus mga doktor, kinuha nila ang pinakamataas na antas na titulo, kinuha nila ang (antas ng) pagiging dalubhasa (o “masters degree”) at (antas ng) doktor sa kaalamang pang-akademiko (o “PhD”), ngunit kulang siya sa (kaalaman sa) ʿAqīdah. Wala siyang alam sa ʿAqīdah. Sila ay nasa ʿAqīdah ng Jāhiliyyah (ang panahon bago dumating ang Islām) – sa pagsamba sa mga libingan, at nakatuon sa mga patay, dahil hindi nila pinag-aralan ang ʿAqīdah tulad ng nararapat, at hindi sila tinuruan ng kanilang mga guro na nagturo sa kanila. Kaya, ang kanilang kinahinatnan ay kakulangan (sa kaalaman) sa bagay na ito. Kung tinanggalan ng (biyaya na matutunan ang) kaalaman sa ʿAqīdah ang isang Ṭālib al-ʿIlm (nagsasaliksik ng kaalaman), ano pa ang matitira sa kanya? Ano pa ang matitira sa kanya pagkatapos niyon?
Pag-aralan ninyo ang ʿAqīdah (paniniwala) ng lubusan, kasama ang mga guro at (pag-aralan) ang mga teksto na mayroon kayo. Pag-aralan ninyo ito ng lubusan, pagsasaliksik, pagsusuring muli, at pagtatanong tungkol sa mga pagdududa, at (paano ang) pagtutuwid nito hanggang sa ikaw ay makilala (na may tamang ʿAqīdah) dahil dito. Upang makapagtapos kayo, In Shā Allāh (sa pahintulot ng Allāh) habang kayo ay nasa pinakamataas na antas ng pang-unawa sa ʿAqīdah ng Salafiyyah, ang ʿAqīdah tungkol sa Tawḥīd (kaisahan ng Allāh) sa pagsamba, at tungkol sa (Tawḥīd ng) mga Pangalan ng Allāh at ng Kanyang mga Katangian. Ngunit ang Tawḥīd ar-Rubūbiyyah (ang kaisahan ng Allāh sa Pagkapanginoon), alam ito ng (mga tao sa) Jāhiliyyah (ang panahon bago dumating ang Islām). Ngunit, nararapat pa rin sa atin na pag-aralan ito upang malaman natin ito ng may maliwanag na pang-unawa. Marami pa rin sa mga tao, ang hindi nakaaalam ng Tawḥīd na alam sa Jāhiliyyah. Karamihan sa mga tao, kahit ang mga guro, hindi alam ang Tawḥīd na alam sa Jāhiliyyah. Kahit ang Tawḥīd ni Abū Jahl (ang pinakamalaking kalaban ng Islām sa panahon ng Propeta ﷺ), ay hindi nila alam.
Kaya, nararapat sa inyo, mga mararangal na anak, na bigyang halaga ninyo ang pag-aaral ng mga aralin ng relihiyon, lalo na ang ʿAqīdah, na may higit na pangangalaga, sa bahay, sa Masjid, sa daan, kasama ang guro, at kasama ang mga kasamahan (ninyo), upang matutunan ninyo kung ano ang pagdududa na mayroon dito, at upang maituwid ninyo at ilantad ito. Lalo na sa panahon nating ito.
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
Shawwāl 25, 1441H | June 17, 2020