Menu

Ang Paglalakbay ng Isang Babaeng Walang Kasamang Maḥram - Shaykh Muqbil ibn Hādī al Wādiʿī


Tanong: 

Maaari ba para sa isang babaeng sumusunod (sa alituntunin ng Islām) na maglakbay na walang kasamang Maḥram (lalaking ipinagbabawal sa kanya pakasalan) habang (sa kanyang palagay) siya'y ligtas (mula) sa Fitnah (pagsubok; tulad ng kapahamakan dulot ng mga kalalakihan)?

Sumagot si Shaykh Muqbil ibn Hādī al-Wādiʿī (pumanaw. 1422H):

Hindi, (dahil) sinabi ng Propeta ﷺ: Hindi pinahihintulutan ang isang babaeng naniniwala sa Allāh at sa Huling-Araw na maglakbay maliban na kasama niya ang kanyang Maḥram. Habang nagpapahintulot naman ang ibang mga iskolar, sa tingin ko ang mga Mālikiyyah, na pinapayagan siyang magsagawa ng Ḥajj na may matiwasay na kasama, ngunit mas nararapat sundin ang Ḥadīth ng Sugo ng Allāh ﷺ.

 

Map illustration showing the mahrams (male chaperones) of a woman

Kinuha mula sa: https://www.muqbel.net/fatwa.php?fatwa_id=4231


Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
June 08, 2020 | Shawwāl 16, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!