Menu

Ang Payo ni al ʿAllāmah Rabīʿ ibn Hādī al Madkhalī para sa mga Muslim sa ʿĪd al Fiṭr sa Taong 1441H

 


Sinabi ni Shaykh Rabīʿ ibn Hādī al-Madkhalī:

Sa Ngalan ng Allāh, Ang Lubos na Maawain, Ang Lubos na Mahabagin.

Lahat ng papuri ay nauukol sa Allah, at nawa'y itaas at bigyan ng kapayapaan ang Sugo ng Allāh, ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kasamahan, at sinumang sumusunod sa kanyang gabay, bilang pagpapatuloy:

Tunay na pinapayuhan ko ang aking sarili at ibang mga Muslim ng Taqwá ng Allāh (sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang Utos at pag-iwas sa Kanyang ipinagbabawal), Ang Mapagpala at Ang Kataas-Taasan, at panghawakang maigi ang Aklat ng Allāh at ang Sunnah ng Sugo ng Allāh ﷺ at pagtahak sa Manhaj (pamamaraan) ng Salaf aṣ-Ṣāliḥ (mga matutuwid na unang tatlong henerasyon ng mga Muslim) sa mga paniniwala, pagsamba, pakikitungo, at sa lahat ng bagay sa buhay. At hinihingi ko sa Allāh na pag-isahin Niya ang mga puso nila, at tipunin sila sa katotohanan, at ilayo sa kanila ang bulong ng Shayṭān (satanas), at gawing sapat na sa kanila ang kasamaan ng pagsubok, anumang hayag (na kasamaan) mula dito at anumang lingid (na kasamaan), katotohanang, tiyak na dinidinig ng Allāh ang panalangin.

At nawa'y itaas ng Allāh at bigyan ng kapayapaan ang ating Propeta Muḥammad, ang kanyang pamilya, at ang kanyang mga kasamahan.

Kinuha mula sa: http://rabee.net/ar/sounds.php?cat=6&id=483


Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
May 27, 2020 | Shawwāl 04, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!