Si Usamah ibn Laden ay isang napakasamang demonyo - Shaykh Aḥmad an-Najmī
X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
Tanong:
Kung binanggit ng mga taga astronomiya na ang eklipse ay mangyayari sa isang pagkakataon, nararapat ba na ipaalam ng Imām ang petsa (at oras) ng eklipse sa mga nasa likuran niya (mga kasama sa Masjid) upang magpunta sila (sa Masjid para sa Ṣalāh), o hindi niya kailangang ipaalam hanggang maganap ang eklipse?
Shaykh Muḥammad ibn Ṣāliḥ al-ʿUthaymīn رحمه الله (pumanaw. 1421H):
Sa aking pananaw, hindi niya ito dapat ipaalam sa kanila at hindi niya dapat ikalat ang balita kung alam niya ito. Dahil kung nalaman ng mga tao bago ito mangyari, hindi ito bibigyan ng halaga ng karamihan (sa mga tao), at iisipin nila na ito ay tulad ng isang buwan na lumitaw. At ang eklipse ay (nagdudulot ng) pangamba at takot, at ang Ṣalāh para dito ay dahil sa pangamba, at hindi tulad ng Ṣalāt al-ʿĪd kung saan ito ay Ṣalāh para sa kagalakan at kasiyahan kung saan hinahayag ito, kaya ang ilihim ang balita tungkol sa eklipse ay mas nararapat kaysa sa ipamalita ito.
Ito ang pananaw namin sa bagay na ito, at gayundin, ito ang pananaw ng aming Shaykh, na si ʿAbd al-ʿAzīz ibn Bāz, at mas nararapat ito, walang pag-aalinlangan.Kaya nakikita natin sa kasalukuyan na ang mga tao ay dumadating para sa Ṣalāh al-Kusūf (eklipse) na parang dumadating sila para sa Ṣalāt al-ʿĪd. Makikita ang eklipse at nagsisidating sila at nagsasagawa ng Ṣalāh, ngunit hindi nakikita ang matinding pangamba gaya ng alam natin ukol dito. Ang mga tao noon, dumadating sila sa mga Masjid na nagmamadali, umiiyak, makikita mo ang mga Masjid na may tunog ng pag-iyak. Ngunit ngayon, ito ay tulad ng isang ʿĪd na lumitaw ang buwan, na dumadating ang mga tao upang magsagawa ng Ṣalāh.
Kaya dahil doon, sa pananaw ko hindi dapat ito ihayag, at hindi ito dapat ikalat ng isang tao kapag narinig niya ito, upang magsidating ang mga tao na nabigla, at makakamit nila ang pangamba at pagkatakot sa Allāh .
Kinuha mula sa: http://binothaimeen.net/content/857
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
Dhul Qiʿdah 01, 1441H | June 22, 2020