Menu

Ang Tamang Paraan sa Pagpapalaki ng Ating mga Anak


Tinanong ko si Shaykh ʿAbd al-Raḥmān al-Muwāsī1 حفظه الله: Ano po ang inyong payo sa amin tungkol sa pagbibigay ng tamang Tarbiyyah (pagpapalaki) sa aming mga anak, lalo na sa mga lugar tulad ng Pilipinas? Sinabi niya: 

  1. Sa pamamagitan ng pagpili ng matuwid na asawa. Sinabi ng isang ama sa kanyang anak: "Naging mabuti ako sa inyo bago pa kayo ipinanganak." Tinanong siya, "Paano?" Sinabi niya, "Pinili ko para sa inyo ang inyong ina." 

  1. Sa pamamagitan ng Duʿāʾ (pananalangin) para sa matutuwid na anak. 

رَبِّ هَبْ لِي مِنَ الصَّالِحِينَ 

Aking Panginoon, pagkalooban Mo ako (ng mga anak na magiging) mula sa mga matutuwid. 2 

  1. Ang pagbigkas ng Duʿāʾ bago makipagtalik sa kanyang asawa: 

بِسْمِ اللَّهِ، اللَّهُمَّ جَنِّبْنَا الشَّيْطَانَ، وَجَنِّبْ الشَّيْطَانَ مَا رَزَقْتَنَا

  1. Ang Duʿāʾ ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay Mustajāb (sinasagot), kaya't iwasan natin ang pagbanggit ng Duʿāʾ laban sa kanila. Iwasan natin ang pagsabi ng "sana hindi ka bigyan ng Allāh ng tagumpay." 

  1. Pagiging magandang halimbawa. Makikita natin na ang dalawang-taong-gulang na bata, na nagsasagawa ng Ṣalāh kasabay mo. Bakit? Sa dahilang nakikita ka niya. Kung bumahing ka, sabihin mo "Alḥamdulillāh". Turuan mo siyang magsabi ng "Bismillāh" bago kumain, at ituro mo sa kanya na ang musika ay Ḥarām (ipinagbabawal). 

Wag mong sasabihin na maliit pa siya. Sa isang Ḥadīth, sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ: 

يا غُلامُ، سمِّ اَلله، وكُلْ بِيَمِينِك، وكُلْ ممَّا يَلِيكَ 

“O bata, banggitin mo ang Pangalan ng Allāh, at kumain ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kumain ka kung ano ang malapit sa iyo.” 

Kaya lumalaki (at natututo) ang bata, batay sa mga halimbawa na nakikita niya mula sa kanyang mga magulang at sa mga itinuturo sa kanya ng mga ito. Mahalaga rin na tipunin mo ang iyong asawa at mga anak araw-araw, upang magbasa ng Qurʾān, kahit isang pahina lamang. 

  1. Gayundin, sa pamamagitan ng pagpili ng mga kasamahan at kaibigan para sa iyong anak. Paano kung maliit pa sila? Sa pamamagitan ng mga anak ng mga kaibigan mo. Piliin ang matutuwid na pamilya kung saan maaaring maglaro ang iyong mga anak kasama ang mga anak nila, lalaki kasama ang mga kapwa lalaki, at babae kasama ang mga kapwa babae, upang hindi sila lalaki sa pagsuway at kasalanan. Magtulungan kayo kasama ang ibang pamilya. 

  1. Gayundin, sa pamamagitan ng pagsasaulo nila ng Qurʾān, mga Adhkār (pag-alala), at mga Aḥādīth. 

 

Humingi rin ako ng payo kay Shaykh Yaḥyá an Nahārī3 حفظه الله: Paano ko matuturuan ang aking tatlong taong gulang na anak? Sabi ni Shaykh: 

  • Sa pamamagitan ng pagtuturo ng al-Uṣūl ath-Thalāthah. 

  • Sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang ʿAqīdah (paniniwala). Halimbawa, turuan mo siya kung saan ang Allāh. 

  • Ang pagtuturo habang bata pa sila. 

  • Mahalaga ang ina sa pagbibigay ng tamang Tarbiyyah sa mga anak, dahil siya ang Madrasah (paaralan) ng mga bata. 

 

Sinabi rin ni Shaykh Yaḥyá an-Nahārī4 حفظه الله: 

Ang anak, kung hindi siya tuturuan ng kabutihan, ang matututunan niya ay kasamaan. 

Tinanong ko rin si Shaykh Aḥmad az-Zahrānī5 حفظه الله: Anu-anong mga aklat ang maaari kong ituro sa aking pamilya? Sinabi niya: 

  1. Talqīn Uṣūl al-ʿAqīdah li-ʿĀmatil Ummah (3 pahina lang) ni Shaykh Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb رحمه الله 

  1. Al-Qawāʾid al-Arbaʿ ni Shaykh Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb رحمه الله 

  1. al-Uṣūl ath-Thalāthah ni Shaykh Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb رحمه الله 

  1. al-Uṣūl as-Sittah ni Shaykh Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb رحمه الله 

  1. Nawāqiḍ al-Islām ni Shaykh Muḥammad ibn ʿAbd al-Wahhāb رحمه الله 

  1. Durūs al-Muhimmah li-ʿĀmatil Ummah ni Shaykh Ibn Bāz رحمه الله 


¹Lunes [Shaʿbān 19, 1445 | Pebrero 26, 2024]

²[Surah Aṣ-Ṣāffāt: 100]

³Sabado (Shaʿbān 14, 1445, Pebrero 24, 2024)

⁴Sharḥ Muqaddimah Abī Zayd al-Qayrāwanī - Sabado (Shaʿbān 14, 1445, Pebrero 24, 2024)

⁵Biyernes (Shaʿbān 13, 1445, Pebrero 23, 2024)

⁶Sinuri at naayos ang gramatika ni: Abū Yaḥyá Rueda


Isinulat ni: Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor 
Al-Madīnah an-Nabawiyyah 
Shaʿbān 23, 1445 | March 04, 2024 

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!