X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
المظاهرات لا خير فيها ولا تجر إلا شراً ودماراً وليست هي السبيل لاستخراج الحقوق
“Walang kabutihan sa Protesta (o demonstrasyon), wala itong naidudulot maliban sa kasamaan at pagkasira, at hindi ito paraan upang kunin ang mga karapatan (ng mga tao).”1
اعتبار المظاهرات وسيلة من وسائل الدعوة ووسيلة من وسائل إقامة الدولة الإسلامية هذا تقليد للأوروبّيين ليست عادة إسلامية ولا أدبا من آداب الإسلام
“Ang pagturing sa Protesta bilang paraan mula sa mga paraan ng Daʿwah (Panawagan sa Islām), at paraan mula sa mga paraan upang itayo ang Dawlah al-Islāmiyyah (Islamikong Estado), ito ay pikit-matang pagsunod sa mga taga-Europa, hindi ito gawain (na iniutos) sa Islām, at hindi kaugalian mula sa mga kaugalian ng Islām.”2
فان المظاهرات أمر حادث، لم يكن معروفاً في عهد النبي ﷺ ولا في عهد الخلفاء الراشدين، ولا عهد الصحابة رضي الله عنهم
“Ang Protesta ay mula sa mga makabagong gawa na wala sa panahon ng Propeta ﷺ, ni sa panahon ng mga Khulafāʼ ar-Rāshidīn (sila Abū Bakr, ʿUmar, ʿUthmān at ʿAlī), ni sa panahon ng mga Ṣahāba.
ثم إن فيه من الفوضى والشغب ما يجعله أمرا ممنوعاً، حيث يحصل فيه تكسير الزجاج والأبواب وغيرها ويحصل فيه أيضاً اختلاط الرجال بالنساء، والشباب بالشيوخ، وما أشبه من المفاسد والمنكرات
Samakatuwid ito ay kaguluhan, isa sa mga bagay kung bakit ipinagbabawal ito, kung saan makikita natin ang pagsira sa mga salamin, sa mga pinto at iba pa, at ang paghahalo rin ng mga kalalakihan sa mga kababaihan, at ang kabataan sa mga matatanda, at anumang tulad nito na mga korapsyon at kasamaan.
وأما قولهم إن هذه المظاهرات سلمية، فهي قد تكون سلمية في أول الأمر أو في أول مرة ثم تكون تخريبية، وانصح الشباب أن يتبعوا سبيل من سلف فان الله سبحانه وتعالى أثنى على المهاجرين والأنصار، وأثنى على الذين اتبعوهم باحسان
Ngunit ang pagsabi nila na ito ay ‘Mapayapang Protesta’, maari na ito ay mapayapa sa unang beses, ngunit sa kasunod, ito ay makapipinsala, at pinapayuhan ko ang mga kabataan na sundin nila ang pamamaraan ng mga Salaf, dahil pinuri ng Allāh ang mga Muhājirīn (Ang mga lumipat sa Madīnah galing Makkah) at ang mga Anṣār (mga mamamayan ng Madīnah na tumulong sa mga Muhājirīn), at pinuri Niya ang mga ganap na sumusunod sa kanila.”3
[1] Ad-Dīmuqrāṭiyyah fī Mīzān ash-Sharīʿah
[2] Al-Muḥaḍarah: Laysa min an-Naṣiḥati fī Shayʼin
[3] Al-Jawāb al-Abhar li-Fuʼād Sirāj 75
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
October 14, 2018 | Ṣafar 03, 1440H