Menu

Ang Pagsunod sa Imām sa pagsasagawa ng Ṣalāh sa Radyo o Telebisyon

Mga Aral at Paalaala 46

:رحمه الله Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn ʿAbdullāh ibn Bāz

أن الواجب على المكلفين من الرجال أن يصلوا في مساجد الله في بيوت الله مع إخوانهم، لكن لو قدر أنه تأخر لمرض أو علة من العلل، ففاتته الصلاة لا يصلي خلف المذياع، ولا خلف التلفاز مما يذاع في التلفاز، بل يصلي وحده أو يصلي مع من عنده من أهل بيته….

أما الصلاة.. مع الإمام الذي يسمعه في الإذاعة أو في التلفاز فلا، أو يراه في التلفاز فلا

❝Nararapat sa mga Mukallifīn (nasa hustong gulang at may tamang pag-iisip) na mga kalalakihan na magsagawa ng Ṣalāh sa mga Masājid ng Allāh, sa mga bahay ng Allāh kasama ang kanilang mga kapatid na kalalakihan, ngunit kung itinakda na siya'y mahuli dahil sa sakit o dahil sa isa sa mga (katanggap-tanggap na) dahilan, at lilipas ang (oras ng) Ṣalāh, hindi niya ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa radyo, ni sa pamamagitan ng pagsunod sa telebisyon habang ipinapakita sa telebisyon, bagkus isasagawa niya ang Ṣalāh mag-isa, o isasagawa niya ito kasama ang kanyang pamilya…

Ngunit ang Ṣalāh kasabay ang Imām habang naririnig sa radyo o (napapanood) sa telebisyon, hindi (ito ipinapahintulot).❞

[https://binbaz.org.sa/fatwas/7949/حكم-الصلاة-خلف-التلفاز-او-المذياع]


Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
May 23, 2020 | Ramaḍān 30, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!