X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
Mula kay Abū Ayyūb al-Anṣārī رضي الله عنه na inulat niya na sinabi ng Sugo ng Allāh ﷺ:
مَنْ صَامَ رَمَضَانَ ثُمَّ أَتْبَعَهُ سِتًّا مِنْ شَوَّالٍ كَانَ كَصِيَامِ الدَّهْرِ
❝Sinuman ang nag-ayuno ng Ramaḍān at pagkatapos, sinundan niya ito ng anim (na araw) mula sa Shawwāl, ito'y tulad ng pag-aayuno ng isang (buong) taon.❞
[Ṣaḥīh Muslim (bilang ng ḥadīth: 1164)]
Sinabi ni Shaykh ʿAbd al-ʿAzīz ibn ʿAbdullāh ibn Bāz:
فبين ﷺ أن صوم الست يكون بعد صوم رمضان. فالواجب المبادرة بالقضاء، ولو فاتت الست؛ للحديث المذكور، ولأن الفرض مقدم على النفل
❝Ipinaliwanag niya ﷺ na ang pag-aayuno ng anim (na araw) ay isinasagawa pagkatapos ng pag-aayuno ng Ramaḍān. Kaya nararapat na magmadali sa pagbabayad (ng mga araw na hindi siya nag-ayuno sa Ramaḍān), kahit na lumampas na ang anim (na araw) dahil sa ḥadīth na binanggit, at dahil nauuna ang obligasyon (na gawain) bago ang bulontaryo o kusang-loob (na gawain).❞
Kinuha mula sa: https://binbaz.org.sa/fatwas/12673/هل-يجوز-صيام-الست-قبل-قضاء-رمضان
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
May 24, 2020 | Shawwāl 01, 1441H