Ang pagpapakita ng mga larawan ng mga nasugatan sa Palestine - Shaykh Ṣāliḥ al-Fawzān
X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
― Ano ang Ṣadaqah (o Zakāh) al-Fiṭr?
― Sinong Obligadong Magbigay ng Zakāh al-Fiṭr?
― Saang Lugar Nararapat Magbigay ng Zakāh al-Fiṭr?
― Kailan ang Tamang Panahon sa Pagbigay ng Zakāh al-Fiṭr?
― Sino ang Dapat Bigyan ng Zakāh al-Fiṭr?
― Ano ang Dapat Ibigay bilang Zakāh al-Fiṭr?
― Ang Pagbibigay ng Pera Bilang Zakāh al-Fiṭr
Tunay na ipinag-utos ng Allāh para sa inyo sa pagtatapos ng dakilang buwan na ito (ng Ramaḍān) ang mga (uri ng) pagsamba, (kung saan) madagdagan ang pagiging malapit ninyo sa Allāh. Kaya ipinag-utos Niya sa inyo ang Ṣadaqah (o Zakāh) al-Fiṭr, bilang paglilinis (o kadalisayan) sa nag-ayuno mula sa walang kabuluhang pagsasalita at kasalanan. Inobliga (o itinagubilin) ito ng Sugo ng Allāh ﷺ sa bata, matanda, kalalakihan, kababaihan, malaya at sa alipin. At ito ay Zakāh ng katawan, upang matulungan ang mga mahihirap at ang mga nangangailangan (dukha).
Ilalabas ito ng isang Muslim (at ibibigay) para sa kanyang sarili, at sa mga taong obligado niyang suportahan magmula sa asawang babae, mga anak, at sa lahat ng kanyang obligadong suportahan.
At iminumungkahi (rin) ang pagbibigay nito para sa hindi pa naisisilang na sanggol.
At ang lugar ng pagbibigay nito ay sa lupain kung saan niya ginugol ang buong buwan (ng Ramaḍān) at siya ay nandoon. At kung ang taong obligadong maglabas (at magbigay) para sa kanya ay nasa ibang lugar, hindi sa lugar kung saan siya nakatira, ipamamahagi niya ang kanilang Fiṭr kasama ang kanyang Fiṭr sa lugar na iyon (ng magbibigay).
At maaari niyang ipaubaya sa kanila na sila ang maglabas para sa kanila at para sa kanya sa kanilang lugar.
At ang oras ng pagbibigay nito ay nagsisimula sa paglubog ng araw sa gabi (bago sumapit) ang ʿĪd at patuloy ito hanggang sa sumapit ang Ṣalāt al-ʿĪd. At pinapayagan na mapadali ito (at ibigay ng maaga) ng isa o dalawang araw bago sumapit ang (araw) ng ʿĪd.
At ang pagpapaliban ng pamamahagi nito hanggang sa umaga ng ʿĪd, bago (sumapit) ang Ṣalāt al-ʿĪd ay mas mainam. At kung naantala siya sa pamamahagi nito mula sa (oras ng) Ṣalāt al-ʿĪd, na walang dahilan, ipamamahagi (pa rin) niya ito sa araw na iyon, at kung hindi niya ito maisagawa sa araw ng ʿĪd, kinakailangan (pa rin) na maibigay niya ito pagkatapos nito (ng araw ng ʿĪd) bilang Qadāʾ (kabayaran). Naging malinaw dito na kinakailangan ang pagbibigay ng Ṣadaqah (o Zakāh) al-Fiṭr para sa mga may kakayahan. At ang oras ng pamimigay nito ay nahahati sa oras na ipinahihintulot, at ito ay bago sumapit ang ʿĪd maging isa man o dalawang araw.
― At ang pinakamainam na oras ay sa pagitan ng paglubog ng araw sa gabi (bago ang) ʿĪd hanggang sa Ṣalāt al-ʿĪd.
― At ang oras na ipinahihintulot, ito ay pagkatapos ng Ṣalāt al-ʿĪd hanggang sa matapos ang araw (ng ʿĪd sa paglubog ng araw).
― At ang oras ng Qadāʾ (kabayaran), na may kasalanan, ito ay pagkatapos ng ʿĪd.
At ang karapat-dapat sa Zakāh al-Fiṭr ay silang karapat- dapat sa Zakāh al-Māl (kayamanan) mula sa mga nangangailangan (dukha) at mga mahihirap at mga tulad nila. Kaya ibibigay niya ito sa karapat-dapat sa oras ng pamamahagi nito o sa kanyang representante (pinagkatiwalaan o kinatawan), at hindi sapat na ibigay niya (at ipagkatiwala) ito sa taong hindi representanteng nararapat.
At ang dami ng Ṣadaqah (o Zakāh) al-Fiṭr ay isang Ṣāʿ ng trigo (wheat) o sebada (barley), o datiles, o pasas, o matigas na keso (cheese), o mga pangunahing pagkain na kapalit nito sa isang lugar, tulad ng bigas, o mais, o mga butil (na ginagawang harina) at lahat ng pangunahing pagkain sa isang lugar. At ang dami ng isang Ṣāʿ sa kilo ay halos tatlong (3) kilo.
At hindi ipinahihintulot ang pagbibigay ng halaga (ng Zakāh al-Fiṭr) bilang kapalit ng pagkain, dahil salungat ito sa teksto (ng Qurʾān at Sunnah). Mayroong pera sa panahon ng Sugo ng Allāh ﷺ, kung ipinahintulot ito, nilinaw niya iyon sa kanyang Ummah (nasyon).
Sinuman ang magbigay ng Fatwá (hatol o opiniyon) ng pagbibigay ng halaga ay nagbigay ng Fatwá (hatol o opiniyon) mula sa kanyang Ijtihād (pagsisikap), at ang Ijtihād ay (maaaring) mali o tama, at ang paglabas ng pera ay salungat sa Sunnah at hindi ito naiulat mula sa Propeta ﷺ ni sinuman sa kanyang mga kasamahan.
Sinabi ni Aḥmad (ibn Ḥanbal): “hindi dapat magbigay ng halaga (bilang Zakāh al-Fiṭr)”, may nagsabi sa kanya: “sinasabi ng mga tao: kinukuha ni ʿUmar Ibn ʿAbdul-ʿAzīz ang halaga nito.” Sinabi niya: “kanilang binaliwala ang pahayag ng Sugo ng Allāh ﷺ at sa halip sinasabi nila: ‘sinabi ni ganito at ni ganyan’, at tunay na sinabi ni ʿUmar: inubliga ng Sugo ng Allāh ﷺ ang Zakāh al-Fiṭr ng isang Ṣāʿ.
― Itḥāf Ahl al-Īmān bi-Durūs Shahr Ramaḍān, pahina 216-218
Isinalin sa wikang Tagalog ni Abū Mulaykah Tāhir Bin Mansoor sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yahyá Rueda
Mayo 16, 2020 | Ramaḍān 23, 1441H
Na-update noong: Abril 05, 2024 | Ramadān 26, 1445H
Bersyon 1.1