X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!
السؤال: بعض المعارض التي تقام لبيان جراحات المسلمين في فلسطين وغيرها، يكون فيها بعض صور القتلى والجرحى، وأحيانًا تعرض عن طريق الفيديو، والقصدُ مِن ذلك حثّ المسلمين على التبرُّع لإخوانهم؛ فهل هذا العمل جائز؟
Tanong: May ilan sa mga pagtatanghal na ginawa upang ipakita ang mga sugat ng mga Muslim sa Palestine at sa ibang lugar, at naglalaman ito ng mga larawan ng mga napatay at nasugatan, at minsan pinapakita ito sa pamamagitan ng video, na ang layunin para dito ay upang hikayatin ang mga Muslim na magbigay (ng donasyon) para sa mga kapatid nila. Pinahihintulutan ba ang gawain na ito?
جواب شيخ الفوزان: هذا العمل غير مناسب، لا يجوز إقامة الصور للجرحى، لكن يُدعى المسلمون للتصدّق على إخوانهم، ويُبَلَّغون بأنّ إخوانَهم مضايقون، وأنهم يجري عليهم ما يجري مِن فعل اليهود، بدون أنهم يَعرضون صورًا ويَعرضون جرحى؛ لأن هذا فيه استعمالاً للتصوير. وأيضًا في هذا تكلّف ما أَمر اللهُ تعالى به، فيه أيضًا تفتيتٌ لعضد المسلمين؛ لأنكَ لَمّا تَعرض أمام الناس صورةَ مسلمٍ ممثَّل به أو مقطَّع الأعضاء؛ فهذا مما يُرعب المسلمين، ويرهب المسلمين مِن فعل الأعداء، والواجب أن المسلمين لا يُظهرون الضعف، ولا يُظهرون الإصابات، ولا يظهرون هذه الأمور، بل يكتمونها حتى لا يفتّوا في عضد المسلمين
Sagot ni Shaykh al-Fawzān: Ang gawaing ito ay hindi nararapat. Hindi pinahihintulutan ang pagkuha ng larawan ng mga nasugatan. Gayunpaman, dapat anyayahan ang mga Muslim na magbigay ng Ṣadaqah (donasyon) para sa mga kapatid nila, at dapat ipaalam sa kanila na ang mga kapatid nila ay nasa masamang kalagayan, at nakakaranas sila ng masasamang bagay mula sa mga gawain ng mga Hudyo, na walang ipinapakitang mga larawan ng mga nasugatan, dahil mayroon itong paggamit ng pagsasagawa ng larawan, at mayroon din itong kasamang paghihirap kung saan hindi iniutos ng Allāh, Ang Kataas-Taasan. At naglalaman din ito ng magpapahina sa mga Muslim, dahil kapag ipinakita mo sa mga tao ang mga larawan ng mga Muslim na halos di na makilala, o mga naputulan ng mga bahagi ng kanilang katawan, ito ay nagbibigay ng takot sa mga Muslim, at pagkakaroon ng takot ng mga Muslim sa mga gawain ng mga kalaban. Kinakailangan na hindi ipinapakita ng mga Muslim ang kahinaan nila, at hindi nila dapat ipinapakita ang mga kalamidad, at hindi nila dapat ipinapakita ang mga bagay na ito, bagkus dapat nilang itago ang mga bagay na iyon upang hindi nila mapanghinaan ng loob ang pwersa ng mga Muslim.
al-Ijābāt al-Muhimmah fī al-Mashākil al-Mulimmah
Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
December 09, 2019 | Rabīʿ ath-Thānī 11, 1441H