Menu

Maaaring Hindi Gantimpalaan ang Nag-aayuno

Mga Aral at Paalaala 39

Sinabi ni Shaykh Ṣāliḥ ibn Fawzān al-Fawzān:

فقد يصوم الصائم ويشتد جوعه وعطشه ويشتد تعبة، وليس له أجر عند الله عز وجل، بسبب أنه سلّط لسانه في الكلام الحرام، وسلّط نظره على النظر الحرام، وسلط أذنيه على استماع المحرم، فهذا في الحقيقة لم يصم، وإنما ترك الطعام والشراب فقط، فهو يتعب بلا فائدة، فالصيام يشمل جميع هذه الأشياء; صيام البطن عن الأكل والشرب وسائر المفطرات، وصيام السمع عن كل كلام محرم، وصيام النظر عن كل ما حرم الله النظر إليه، وصيام اللسان عن النطق بالفحش والآثام، تصوم جميع جوارحه، وكذلك تصوم يده ورجله عن المشي فيما حرم الله والبطش فيما حرم الله

“Maaari na ang isang tao ay nag-aayuno at siya’y nagugutom at nauuhaw, at nahihirapan siya ng husto, at wala siyang gantimpala sa Paningin ng Allāh عز وجل dahil ginamit niya ang kanyang dila sa pagsasalita na Ḥarām (ipinagbabawal), at ginamit niya ang kanyang paningin upang tumingin sa mga Ḥarām, at ginamit niya ang kanyang pandinig sa pakikinig ng Ḥarām, ang taong ito, sa katunayan ay hindi nag-aayuno, bagkus iniwan lang niya ang pagkain at pag-inom, pinahirapan lang niya ang kanyang sarili na walang napakinabangan. Kabilang sa pag-aayuno ang lahat ng mga ito, ang pag-aayuno ng tiyan mula sa pagkain at pag-inom at lahat ng ikasisira nito, at ang pag-aayuno mula sa pakikinig ng mga pagsasalita ng Ḥarām, at ang pag-aayuno ng paningin mula sa lahat ng bagay na ipinagbawal ng Allāh na di dapat tignan, at ang pag-aayuno ng dila mula sa pagsasabi ng imoralidad at kasalanan, dapat mag-ayuno ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Gayundin, dapat mag-ayuno ang kanyang kamay at paa mula sa paglalakad tungo sa (mga lugar na) ipinagbawal ng Allāh, at ang pananakit sa iba na ipinagbawal ng Allāh.”

[Majālis Shahr Ramaḍān al-Mubārak; pahina 15 at 16]


Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
May 07, 2020 | Ramaḍān 14, 1441H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!