Menu

Ang pagkakaiba sa pagitan ng Sunni at Salafi - Shaykh ʿUbayd al-Jabirī


Shaykh ʿUbayd al-Jābirī:

Ang tanong: Ano ang pinagkakaiba sa pagitan ng Sunnī at Salafī?

Ang sagot: Ang dalawang pangalan na ito ay magkasingkahulugan. Ang Sunnī at ang Salafī ay dalawang pangalan na sinuman ang kanilang gawain, lahat na iyon ay umaayon sa Aklat (ni Allāh) at sa Sunnah, ayon sa pag-uunawa ng mga Salaf aṣ-Ṣāliḥ (matuwid na naunang mga Muslim). At sila ang mga sumusunod sa Sugo ng Allāh (at sumusunod) sa kanyang Athar (pagsalaysay), at ang pundasyon nito ay ang mga Ṣaḥāba, pagkatapos ang mga Imām mula sa mga Tābiʿīn (mga sumunod sa mga Ṣaḥāba); gaya nila ʿIkrimah, Saʿīd ibn Jubair, Abū al-ʿAliya, Muḥammad ibn Sirīn, at iba pa na nasa (pamamaraan) ng Aklat (ni Allāh) at sa Sunnah, sa kanyang salita, sa kanyang gawa, at sa kanyang paniniwala.


Isinalin sa wikang Tagalog ni Ṭāhir Bin Manṣūr sa pamamagitan ng tulong ni Abū Yaḥyá Rueda
February 22, 2018 | Jumādā ath-Thānī 06, 1439H

X Incorrect username or password! Username and password cannot be empty!